This tree can be found beside the southbound highway (near the zigzag) of Puerto Princesa City in Palawan, Philippines. I have no idea how it got to be this way. Can anyone solve this mystery?
Josh: Ate, yung kilala mo pala may baby na?
Ako: Opo.
Josh: Pero nag-aaral pa sya?
Ako: Yup.
Josh: Eh ilang years old na sya?
Ako: Ka-edad ko lang, Josh.
Josh: Eh saan yung asawa nya?
Ako: Wala syang asawa.
Josh: Eh bakit sya may baby?
Ako: Kasi po, may boyfriend sya noon, kaya lang nagbreak na sila…pero may baby na sya.
Josh: Ninakaw lang pala nya yung baby?
Ako: Hindi! Ginawa nila yun.
Josh: Robot lang pala yun?
Waaaahhh…there should be a law against nine-year-old boys asking too many questions during breakfast…
Habang nanonood ng Encantadia:
Josh: Crush mo yan, ate? (si Ybarro)
Ako: (tango)
Josh: Kasi magaling sya?
Ako: (tango ulit)
Josh: Sino pang crush mo?
Ako: Si Aragorn.
Josh: Tsaka sino pa?
Ako: Si Gary V.
Josh: Tsaka sino pa?
Ako: Wala na.
Josh: Si Aguiluz, crush mo rin?
Ako: (iling)
Josh: Ako crush ko si Alwina…(pabulong) tsaka si Ella…
Ako: Bakit mo crush si Ella?
Josh: Kasi maganda sya.
Ako: Yun lang?
Josh: (iling) Mabait pa sya.
Ako: Tsaka?
Josh: Tsaka lagi pong nakikinig sa Bible.
Ako: Tsaka?
Josh: Lagi pong nago-obey.
Ako: Eh pa’no kung hindi sya maganda pero mabait pa rin sya tsaka nakikinig pa rin lagi sa Bible tsaka lagi pa ring nago-obey? Crush mo pa rin sya?
Josh: Opo.
Ako: Talaga?
Josh: (tango) Wag mo yun isasabi kay Ella ha.
Ako: (taas kamay) Promise.
Josh: Pag sinabi mo, isasabi rin kita kay Gary V…. Saan ba nakatira si Gary V.?
Oo nga naman…saan ba nakatira si Gary V.? Para masabi ng kapatid ko sa kanya na crush ko sya…hehehe…
Nasa room ako, gumagawa ng earrings na beads. Dumating bunso namin (8 years old), nakisali. Ang naging usapan:
Joshua: ‘Te, kanino ko naman po ibibigay ‘tong ginagawa ko? Wag mo lang sabihin na sa girlfriend ko ha.
Ako: May girlfriend ka na?
Joshua: Opo.
Ako: Sino?
Joshua: Alam mo na yun…
Ako: Si Ella? Uuuyyy….(crush nya since preschool)
Joshua: Hehe..opo.
Ako: Sinagot ka na ba nya?
Joshua: Ano po yung “sinagot”?
Ako: Yung…pumapayag syang maging girlfriend mo…
Joshua: Ikaw po ‘te, may girlfriend, ay boyfriend ka na?
Ako: Wala.
Joshua: Kasi hindi ka pa sinasagot ng crush mo?
Wala na akong nasabi, tawa na lang. Actually Josh, hindi pa alam ng crush ko na nag-eexist ako…hehehehe….