Tag Archive | girlfriend

Private Conversations with Joshua

Nasa room ako, gumagawa ng earrings na beads. Dumating bunso namin (8 years old), nakisali. Ang naging usapan:

Joshua: ‘Te, kanino ko naman po ibibigay ‘tong ginagawa ko? Wag mo lang sabihin na sa girlfriend ko ha.

Ako: May girlfriend ka na?

Joshua: Opo.

Ako: Sino?

Joshua: Alam mo na yun…

Ako: Si Ella? Uuuyyy….(crush nya since preschool)

Joshua: Hehe..opo.

Ako: Sinagot ka na ba nya?

Joshua: Ano po yung “sinagot”?

Ako: Yung…pumapayag syang maging girlfriend mo…

Joshua: Ikaw po ‘te, may girlfriend, ay boyfriend ka na?

Ako: Wala.

Joshua: Kasi hindi ka pa sinasagot ng crush mo?

Wala na akong nasabi, tawa na lang. Actually Josh, hindi pa alam ng crush ko na nag-eexist ako…hehehehe….


Share

Advertisements