Aaaaaah, sobrang puyat ako!!!!!!!!! kasi kasi kasi…si Ela eh! Hindi nya ako pinatulog kagabi.hmp.. Nagbabasa lang ako sa kama at nananahimik (except for my phone’s constant beeping), tapos bigla na lang syang nag drama dun sa labas ng kuwarto ko…iyak ng iyak, meow ng meow. Usually sa balkon sya natutulog, kelangan kasi namin syang ilayo kay Butchokoy (for the record, hindi po ako ang nagpangalan ng tutang yan) pag gabi kasi malapit na syang maubusan ng balahibo sa raskalan nila. Kasalanan nya rin yun, sya kasi ang nangunguna, akala nya yata tuta rin sya.hehe. Pero usually hindi naman sya umiiyak sa gabi, kaya nilabas ko…tapos gusto nang pumasok, naglalambing. Eh madali akong maawa dun, baby ko yun eh (traumatic pa ang nakaraan nya, literal syang pinulot sa basurahan). Kaya against my better judgement, pinatulog ko sa kuwarto…at yun na po, ubod na ng kulit. Nilagyan ko sya ng kumot sa dulo ng kama, kaya lang ewan ko kung bakit nya napag-tripan ang ilong ko, gusto nyang tabihan. Ilang beses ko rin syang dinampot at binalik sa dapat nyang tulugan, pero ayaw mag-stay. Maya-maya nasa likod ko na (nakadapa kasi ako magbasa), tapos sa tuktuk ng ulo ko natulog. Pambihira, hanggang 4:30am wala akong ibang ginawa kundi kumbinsihin syang wag ako ang gawing kama. Sa wakas, nakuntento rin syang sa tabi ko na lang matulog…..
Nag-alarm ang phone ko ng 6am, may dance practice ako sa church at 9. Para wag magising si Ela, nilipat ko sa kabilang side ng unan. Yun pala nasa gilid na ako ng kama kasi ayoko syang madaganan. Yun. Isang malakas na blag! Waaaaahhh, naging limang piraso ang nag-iisang cellphone ko. Nung naayos ko na, nakiusap ako kay Lord na patulugin ako ng 30 minutes pa…more abundant than we could ever imagine talaga ang Diyos magbigay, kasi pag gising ko, 8:15 na! Waaaaaaaaaaah, 30 minutes ang byahe papuntang church! Kaya yun. Late ako. At puyat. Buti na lang natapos na namin yung choreography sa dalawang sayaw (yehey, yehey, yehey!) kanina kaya once or twice ko lang napagalitan at nasaway ang youth (sorry po, guys. Naging biktima kayo ng pagkakataon.).
Lesson for the day: Mahirap maging ina. Lalo na ng isang miming na may traumatic na nakaraan, identity crisis, at insomnia.
Hehehehehe…love ko pa rin si Ela. Pero hindi ko na sya patutulugin sa kuwarto ko. Ever. Ooooops. Matagal-tagal yung “ever” ah. “Tonight” na lang. ; )