Private Conversations with Joshua 2

Habang nanonood ng Encantadia:

Josh: Crush mo yan, ate? (si Ybarro)

Ako: (tango)

Josh: Kasi magaling sya?

Ako: (tango ulit)

Josh: Sino pang crush mo?

Ako: Si Aragorn.

Josh: Tsaka sino pa?

Ako: Si Gary V.

Josh: Tsaka sino pa?

Ako: Wala na.

Josh: Si Aguiluz, crush mo rin?

Ako: (iling)

Josh: Ako crush ko si Alwina…(pabulong) tsaka si Ella…

Ako: Bakit mo crush si Ella?

Josh: Kasi maganda sya.

Ako: Yun lang?

Josh: (iling) Mabait pa sya.

Ako: Tsaka?

Josh: Tsaka lagi pong nakikinig sa Bible.

Ako: Tsaka?

Josh: Lagi pong nago-obey.

Ako: Eh pa’no kung hindi sya maganda pero mabait pa rin sya tsaka nakikinig pa rin lagi sa Bible tsaka lagi pa ring nago-obey? Crush mo pa rin sya?

Josh: Opo.

Ako: Talaga?

Josh: (tango) Wag mo yun isasabi kay Ella ha.

Ako: (taas kamay) Promise.

Josh: Pag sinabi mo, isasabi rin kita kay Gary V…. Saan ba nakatira si Gary V.?

Oo nga naman…saan ba nakatira si Gary V.? Para masabi ng kapatid ko sa kanya na crush ko sya…hehehe…

Share

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s